
"Sumainyo ang Panginoon".
Ito ang bukod-tanging handog ng sakramento ng Eukaristiya. Sumasaatin ang Panginoon sa pamamagitan ng pari, sa pagtitipon-tipon nating mga Kristiyano, sa pagpapahayag ng salita ng Diyos at sa tinapay at alak na nagiging katawan at dugo ni Kristo.
Sa misa, ating sinasariwa ang buhay, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Kristo para sa ating kaligtasan. Kaya nama'y tunay nating kinikilala ang sakramentong ito na pangunahin at sentro ng ating pananampalataya, bilang Katoliko.
Gabay sa Pagninilay:
- Kumusta ang iyong pagsisimba o pakiki-isa sa Sakramento ng Eukaristiya? Kumusta ang iyong pag-papahalaga Sakramentong ito?
- Bilang Kristiyano, ano para sa iyo ang handog ng Misa o Sakramento ng Eukaristiya?
- Anong mga bagay ang sa tingin mo ang dapat mong baguhin o gawin sa iyong pagtanggap at pakiki-isa sa sakramentong ito?
- Sumulat ng iyong panalangin ng pasasalamat sa Diyos sa kanyang paghahandog ng Sakramento ng Eukaristiya sa atin.